Security Articles · Nov 25, 2026 · 4 min basahin

GCash mo, ligtas ba? 3 dapat mong gawin para 'di ma-scam

GCash mo, ligtas ba? 3 dapat mong gawin para 'di ma-scam

May video rin kami nito! Panoorin sa TikTok o sa YouTube

Pera mo ang laman ng GCash, kaya 'wag mo 'tong pabayaan. Madalas, hindi naman na-hack ang account. Napapaniwala lang ang may-ari na ibigay ang info o pindutin ang maling link. Eto ang 3 dapat mong gawin.

1. 'Wag na 'wag ibigay ang MPIN at OTP

Walang taga-GCash na hihingi ng MPIN o OTP mo. Kahit magpakilala pa silang taga-GCash, 'wag mong ibigay.

Ganito kadalasan ang style ng scammer:

Pare-pareho 'yan: minamadali ka para 'di ka makapag-isip. Pag may pressure, ibaba mo na ang tawag o 'wag mo nang replyan.

Gusto mo pa ng dagdag na paliwanag? Basahin mo 'yung OTP scam article.

2. 'Wag mag-click ng link sa text o chat

May text na galing "GCash" na may link? Kahit mukhang official ang sender name, pwede 'yang peke. Madaling pekein ang sender name sa text.

'Yung pekeng login page, kamukha ng totoo. Pag nilagay mo doon ang number at MPIN mo, nakuha na nila. Para sa iba pang klase ng ganitong text, basahin mo ang sms link scam.

3. I-on ang fingerprint o face login

Dagdag protection 'to kung sakaling makuha ng iba ang phone mo o makita nila ang MPIN mo.

Importante 'to: 'yung mga fingerprint na naka-save sa phone mo, 'yan din ang makakapasok sa app. I-check mo sa Settings ng phone kung ikaw lang ang naka-register. Burahin mo 'yung hindi sa'yo.

Maglagay ka rin ng screen lock sa phone mo, para 'di basta-basta mabuksan.

Kung may nagawa ka nang mali

I-share mo kay Mama at Papa

Pwede silang maging target ng ganitong scam. Ipaliwanag mo sa kanila ang 3 'to, lalo na 'yung MPIN at OTP. Mas okay na alam na nila bago pa sila matawagan ng scammer.

Checklist

  1. 'Wag ibigay ang MPIN at OTP kahit kanino
  2. 'Wag pindutin ang link sa text o chat
  3. Sa official app lang mag-log in
  4. I-on ang fingerprint o face login
  5. I-share sa pamilya mo

May tanong ka pa? I-message mo kami, o i-follow mo kami sa TikTok at YouTube para sa mga bagong tips.