Security Articles · Oct 21, 2026 · 4 min basahin

'Wag ibigay ang OTP mo! 3 dapat malaman ng buong pamilya

Ang OTP (one-time PIN) ay parang susi ng account mo. Kapag may humingi nito, scam 'yan, kahit sino pa ang nagpakilala. I-share mo 'to sa pamilya, lalo na kina Mama at Papa.

Panoorin din sa YouTube at sa TikTok

1. Walang bangko o e-wallet na manghihingi ng OTP

Walang empleyado ng bangko, GCash o Maya na manghihingi ng OTP, MPIN o password mo sa tawag, text o chat. Para sa'yo lang ang OTP, at sa official app mo lang ito ilalagay.

2. "Nanalo ka" tapos may link? Scam 'yan

'Wag i-click, at 'wag ibigay ang code.

3. Naibigay mo na? Kumilos ka agad

  1. Buksan ang official app at palitan agad ang MPIN o password.
  2. Tawagan ang official hotline na nakalista sa app o website nila.
  3. I-check ang transactions mo at i-report ang 'di mo ginawa.

Basahin mo rin: May text na may link? 'Wag pindutin.

Mga gamit na makakatulong

Privacy tempered glass (SmartDevil, para sa iPhone)

Hindi kita ang screen mo sa katabi, kaya mahirap masilip ang password, OTP o MPIN mo.

Tingnan sa Shopee(affiliate link)

May tanong ka pa? I-message mo kami, o i-follow mo kami sa TikTok at YouTube para sa mga bagong tips.

Affiliate disclosure

May "(affiliate link)" sa tabi ng ilang link dito. Kapag bumili ka gamit yung link may maliit kaming commission, pero walang dagdag na bayad sa'yo. Nire-recommend lang namin 'yung sa tingin naming makakasulit ka.