May text na may link? 'Wag pindutin! 3 paraan para hindi ma-scam
May video rin kami nito! Panoorin sa TikTok o sa YouTube
May text na parang galing sa bangko, GCash o courier, tapos may link? 'Wag mong pindutin, kahit mukhang totoo pa.
1. 'Wag mag-reply o mag-click kapag 'di mo kilala ang number
Kapag galing sa number na 'di mo kilala, 'wag kang mag-reply at 'wag i-click ang link. Kahit "STOP" lang ang i-reply mo, malalaman nilang active ang number mo.
2. Minamadali ka? May premyo? Scam 'yan
- "Ma-de-deactivate ang account mo ngayong araw"
- "Nanalo ka ng ₱10,000, i-claim dito"
- "May pending parcel ka, magbayad ng shipping fee"
Sinasadya nilang i-panic ka para 'di ka na makapag-isip. Kapag minamadali ka, 'yan mismo ang senyales na huminto ka muna.
3. Ikaw mismo ang magbukas ng official app
Gusto mong i-check kung totoo? 'Wag kang dumaan sa link. Buksan mo mismo ang official app ng bangko o e-wallet, o i-type mo ang website nila. Kung may totoong problema, makikita mo rin doon.
Na-click mo na?
- 'Wag ilagay ang login, OTP o MPIN mo sa page na nagbukas.
- Kung nailagay mo na, palitan agad ang password o MPIN sa official app.
- Tawagan ang official hotline na nakalista sa app o website nila.
Basahin mo rin: 'Wag ibigay ang OTP mo.
Mga gamit na makakatulong
Privacy tempered glass (SmartDevil, para sa iPhone)
Hindi kita ang screen mo sa katabi, kaya mahirap masilip ang password, OTP o MPIN mo.
Tingnan sa Shopee(affiliate link)May tanong ka pa? I-message mo kami, o i-follow mo kami sa TikTok at YouTube para sa mga bagong tips.


