Charging Articles · Nov 9, 2026 · 4 min basahin

Ayaw mag-charge ng phone mo? 3 dapat mong subukan bago magpa-repair

Ayaw mag-charge ng phone mo? 3 dapat mong subukan bago magpa-repair

May video rin kami nito! Panoorin sa TikTok o sa YouTube

Nakasaksak na pero ayaw pa ring mag-charge? 'Wag ka munang magpa-repair. Madalas hindi mo na kailangan gumastos ng repair nyan, at kaya mong i-check ang tatlong 'to sa bahay.

1. Subukan ang ibang cable at adapter

Madalas, cable o adapter ang sira at hindi ang phone.

Gumagana na pag iba ang cable? Cable lang pala ang sira. Kung hindi ka sure kung okay pa ang charger mo, basahin mo ang Peke ba ang charger mo?

2. I-restart ang phone

Minsan glitch lang sa software ang dahilan. Hindi nade-detect ng phone na may nakasaksak, kahit okay naman ang cable.

3. Linisin ang charging port

Madalas, naipong alikabok at lint sa port ang dahilan. Galing 'yan sa bulsa o bag. Pag barado na, hindi na umaabot ang dulo ng cable sa loob, kaya hindi nagko-contact nang maayos.

  1. Patayin muna ang phone. Unplug mo rin lahat ng nakasaksak.
  2. Gumamit ng kahoy na toothpick. 'Wag metal na karayom o pin, kasi pwede itong makagasgas o mag-short sa loob.
  3. Dahan-dahan mong kalikutin ang loob ng port at hilahin palabas ang lint. 'Wag mong diinan, kasi marupok ang contacts sa loob.
  4. 'Wag gumamit ng tubig o kahit anong liquid. 'Wag mo ring ihipan gamit ang bibig, kasi may moisture 'yun.
  5. I-on ulit ang phone at subukang mag-charge.

May ilang phone na nagpapakita ng moisture detected warning pag basa ang port. Kung 'yan ang lumabas, patuyuin mo muna at 'wag munang mag-charge. Basahin mo rin ang Nabasa ang phone? 'Wag sa bigas!

Kung ayaw pa rin?

Nasubukan mo na lahat pero ayaw pa rin? Baka sira na talaga ang charging port o ang battery. Sa puntong 'yan, magpa-check ka na sa service center o sa technician na maganda ang reviews. At least alam mo nang hindi cable o lint ang problema.

Checklist

  1. Subukan ang ibang cable, adapter at outlet
  2. I-restart ang phone
  3. Patayin ang phone, tapos linisin ang port gamit ang kahoy na toothpick
  4. Ayaw pa rin? Saka ka magpa-check sa service center

Mga gamit na makakatulong

UGREEN 20W USB-C PD charger (UGREEN Flagship Store)

Original na charger mula sa official store, iwas sa pekeng charger na sumisira ng port.

Tingnan sa Shopee(affiliate link)

UGREEN USB-C cable (UGREEN Flagship Store)

Madalas cable ang sira kapag ayaw mag-charge. Mura lang itong subukan.

Tingnan sa Shopee(affiliate link)

May tanong ka pa? I-message mo kami, o i-follow mo kami sa TikTok at YouTube para sa mga bagong tips.

Affiliate disclosure

May "(affiliate link)" sa tabi ng ilang link dito. Kapag bumili ka gamit yung link may maliit kaming commission, pero walang dagdag na bayad sa'yo. Nire-recommend lang namin 'yung sa tingin naming makakasulit ka.