Paano kung nawala ang phone mo? 3 dapat mong i-set up ngayon
May video rin kami nito! Panoorin sa TikTok o sa YouTube
Kung mawala ang phone mo ngayon, handa ka ba? Pag nawala na, wala ka nang oras mag-set up. Kaya gawin mo na 'tong 3 'to habang hawak mo pa ang phone mo.
1. I-on ang Find My Device o Find My
Dito ka muna magsimula, kasi dito mo ma-track at ma-lock ang phone mo kahit hawak na ng iba.
- Android: hanapin ang Find My Device sa Settings → Google. Sa ibang brand o mas bagong version, Find Hub na ang tawag, kaya kung 'di mo makita, i-search mo lang sa Settings.
- iPhone: Settings → pangalan mo → Find My → Find My iPhone, tapos i-on mo.
- Sa iPhone, i-on mo rin ang Send Last Location. Ipapadala nito ang huling location pag sobrang baba na ng battery.
Dapat naka-sign in ka sa Google o Apple account, naka-on ang Location, at may internet ang phone (mobile data o WiFi) para gumana 'to.
Pag nawala na, mag-login ka sa account mo gamit ang ibang phone o computer. Makikita mo ang location, pwede mong patunugin, at pwede mong i-lock. 'Wag mo munang i-erase hangga't may chance na mabawi, kasi pag na-erase, hindi mo na makikita ang location nito.
2. Maglagay ng malakas na screen lock
Walang silbi ang tracking kung bukas lang ang phone mo sa kahit sino. Nandoon ang GCash, Maya, Facebook, email at mga OTP mo.
- Iwasan ang birthday, 1234 at 0000. 'Yan ang una nilang huhulaan.
- Mas okay ang 6 digits pataas na PIN, o kaya password na may letters at numbers.
- Pwede kang mag-fingerprint o face unlock, pero dapat may malakas pa ring PIN na naka-backup.
- Sa Settings → Lock screen (o Notifications), i-hide ang laman ng notifications pag naka-lock, para 'di makita ng iba ang OTP na dumating.
Sa Android, nasa Settings → Security (o Lock screen) 'yan. Sa iPhone, Settings → Face ID & Passcode. Iba-iba ang menu name depende sa brand.
3. Isulat ang IMEI number
Ang IMEI ay parang serial number ng mismong phone mo. Kakailanganin mo 'yan pag nag-report ka, kaya dapat hawak mo na bago pa mawala.
- I-dial ang *#06# sa phone app, lalabas agad ang IMEI.
- O kaya Settings → About phone (sa iPhone, Settings → General → About).
- Kung dual SIM, karaniwan may dalawang IMEI. Isulat mo pareho.
- Kadalasan nakasulat din ito sa box ng phone o sa resibo.
Isulat mo sa papel o i-save sa email mo, tapos itago sa ligtas na lugar. 'Wag sa mismong phone lang, kasi 'di mo 'yan mabubuksan pag nawala na.
Pag nawala na talaga
- Subukan mo munang i-track at patunugin.
- Ipa-block mo ang SIM sa telco mo (Smart, Globe, at iba pa).
- Palitan ang password ng Google o Apple account, Facebook, at email mo.
- I-report agad sa GCash, Maya o bangko mo para ma-secure ang account.
- Gamitin ang IMEI pag nag-report ka sa pulis o sa telco.
Checklist
- Naka-on ang Find My Device o Find My
- Malakas na PIN o password, hindi birthday
- Nakasulat ang IMEI at nakatago sa ligtas na lugar
Basahin mo rin: Para 'di ma-hack ang Facebook mo.
Mga gamit na makakatulong
10,000mAh power bank (Rapoo Official Store)
Pang-backup na charge para hindi ma-lowbat ang phone kapag kailangan mo itong i-track o tawagan.
Tingnan sa Shopee(affiliate link)May tanong ka pa? I-message mo kami, o i-follow mo kami sa TikTok at YouTube para sa mga bagong tips.


