Para 'di ma-hack ang Facebook mo: 3 dapat mong gawin ngayon
Iisa lang ba ang password mo sa Facebook, email at GCash? Kapag na-leak 'yung isa, kayang buksan ng hacker lahat. Eto ang tatlong dapat mong gawin.
Panoorin din sa YouTube at sa TikTok
1. I-on ang two-factor authentication (2FA)
Kapag naka-on ang 2FA, hindi na sapat ang password para makapag-login. Kailangan pa ng code galing sa phone mo. Kaya kahit makuha pa ng iba ang password mo, 'di pa rin sila makakapasok.
- Sa Facebook, punta ka sa Settings & privacy → Accounts Center → Password and security.
- Piliin ang Two-factor authentication at sundan lang ang steps.
- Mas safe ang authentication app (tulad ng Google Authenticator) kaysa text, pero okay na rin ang text kaysa wala talaga.
Gawin mo rin 'to sa Gmail at sa iba mo pang importanteng account.
2. Mahaba at iba-ibang password
Dapat iba-iba ang password ng bawat account mo, para kung ma-leak 'yung isa, hindi damay 'yung iba.
- Mas mahaba, mas mahirap hulaan. Pwede kang gumamit ng parang sentence, halimbawa tatlo o apat na random na salita na pinagdugtong.
- Iwasan ang birthday, pangalan ng anak o alaga mo, at syempre 123456.
- Hirap tandaan lahat? Gumamit ka ng password manager. Libre ang Google Password Manager sa Android at Chrome, at may built-in din ang iPhone.
3. I-check kung saan naka-login ang account mo
Sa Accounts Center → Password and security, hanapin ang Where you're logged in. Makikita mo dito lahat ng phone at computer na naka-login sa account mo.
- May device o lugar na 'di mo kilala? I-log out mo agad.
- Tapos palitan mo na rin ang password mo.
Isa pa: 'wag ibigay ang code
Walang totoong taga-Facebook, bangko o e-wallet na manghihingi ng login code o OTP mo. Kahit kaibigan mo pa ang nagme-message, baka na-hack na rin siya. 'Wag mong ibigay, at 'wag i-click ang mga kahina-hinalang link.
Checklist
- I-on ang 2FA
- Iba-ibang password sa bawat account
- I-check at i-log out ang mga device na 'di mo kilala
- 'Wag ibigay ang code o OTP kahit kanino
Mga gamit na makakatulong
Privacy tempered glass (SmartDevil, para sa iPhone)
Hindi kita ang screen mo sa katabi, kaya mahirap masilip ang password, OTP o MPIN mo.
Tingnan sa Shopee(affiliate link)May tanong ka pa? I-message mo kami, o i-follow mo kami sa TikTok at YouTube para sa mga bagong tips.


