Bumabagal ang phone mo? 3 libreng fix bago ka bumili ng bagong phone
'Wag ka munang bumili ng bagong phone. Madalas, kaya pang pabilisin 'yung luma mo gamit ang tatlong libreng fix na 'to.
Panoorin din sa YouTube at sa TikTok
1. I-restart every week
Habang tumatagal, naiipon sa memory 'yung mga app at process na 'di mo na ginagamit. Nalilinis 'yan kapag nag-restart ka.
- I-restart mo kahit once a week.
- Sa maraming Android, may Scheduled restart sa Settings, para automatic na.
2. Mag-iwan ng at least 10% na free storage
Kapag halos puno na ang storage, bumabagal ang phone kasi wala nang space para gumana nang maayos ang system.
- I-check sa Settings → Storage.
- Burahin ang mga lumang video at 'yung laman ng Downloads.
- I-clear ang Messenger at Viber media. Kadalasan, 'yan ang pinakamalaking kumakain ng space.
- I-backup ang photos sa Google Photos o sa computer, tapos burahin mo na sa phone.
3. I-uninstall ang apps na 'di mo ginagamit
Kahit 'di mo binubuksan, may mga app na tumatakbo pa rin sa background. Kumakain sila ng memory, battery at data.
- Kung 'di mo nagamit nang isang buwan, i-uninstall mo na.
- Subukan mo 'yung Lite version ng mabibigat na app, kung meron.
Isa pa: mag-update
Madalas may kasamang fix sa bilis at security ang updates. I-check sa Settings → Software update.
Checklist
- I-restart every week
- Mag-iwan ng at least 10% na free storage
- I-uninstall ang apps na 'di ginagamit
- I-update ang system at apps
Bibili ka na rin ng bago? Basahin mo muna ang RAM vs storage.
Mga gamit na makakatulong
microSD card 128GB
Kung may slot ang phone mo, dito mo ilipat ang photos at videos.
Tingnan sa Shopee(affiliate link)OTG flash drive
Pang-backup ng photos at videos bago mo burahin sa phone.
Tingnan sa Shopee(affiliate link)May tanong ka pa? I-message mo kami, o i-follow mo kami sa TikTok at YouTube para sa mga bagong tips.


