Umiinit ang phone mo? 3 dapat iwasan para hindi masira ang battery
Isa sa pinakamabilis makasira ng battery ang init. Kapag laging mainit ang phone mo, mas mabilis itong masisira. Iwasan mo 'tong tatlo.
Panoorin din sa YouTube at sa TikTok
1. Tanggalin ang makapal na case habang nagcha-charge
Nakukulong ang init sa loob ng makapal na case. Habang nagcha-charge, tanggalin mo muna para makahinga ang phone.
2. 'Wag maglaro ng mabibigat na games habang nagcha-charge
Doble ang init kapag sabay ang charging at mabigat na laro. Hintayin mo munang ma-charge, o gumamit ng mas mabagal na charger kung kailangan mo talagang maglaro.
3. 'Wag iwan sa araw o sa loob ng kotse
Sobrang init sa loob ng nakaparadang kotse, lalo na pag tanghali. 'Wag mo ring iwan ang phone sa dashboard o sa direktang araw.
Sobrang init na?
- Itigil mo muna ang paggamit at i-unplug.
- Ilagay sa malamig at mahangin na lugar. 'Wag sa freezer o ref.
- Kung madalas pa ring uminit kahit 'di ginagamit, ipa-check mo na sa service center.
Mga gamit na makakatulong
May tanong ka pa? I-message mo kami, o i-follow mo kami sa TikTok at YouTube para sa mga bagong tips.


