Phone Articles · Nov 4, 2026 · 4 min basahin

Bibili ng second-hand phone? 3 dapat mong i-check muna

Bibili ng second-hand phone? 3 dapat mong i-check muna

May video rin kami nito! Panoorin sa TikTok o sa YouTube

Mas mura ang second-hand phone, pero kapag may mali sa nabili mo, ikaw ang talo. I-check mo muna 'to bago ka magbayad.

1. Make sure walang account lock

Kapag naka-link pa sa account ng dating may-ari ang phone, pwede itong hindi mo magamit, kahit gumagana pa ang screen at camera.

Pag sinabi ng seller na "nakalimutan ko 'yung password" o "ikaw na lang mag-reset mamaya", 'wag mo nang ituloy.

2. Subukan ang lahat ng function bago magbayad

Pag nabayaran mo na, mahirap nang habulin. Kaya i-test mo muna habang kaharap mo pa ang seller:

I-check mo rin ang battery. Sa iPhone, Settings → Battery → Battery Health & Charging (sa mas lumang iOS, Battery Health lang). Sa Android, minsan nasa Settings → Battery, pero depende sa brand.

I-dial mo rin ang *#06# para makita ang IMEI. Dapat tugma ito sa nasa Settings → About phone (sa iPhone, Settings → General → About), at sa box o sticker kung meron.

3. Mag-meet sa ligtas na lugar at humingi ng resibo

Kung ayaw ng seller na i-test mo ang phone o magbigay ng resibo, red flag 'yan. Marami namang ibang nagbebenta.

Checklist

  1. Naka-log out na ang iCloud o Google account ng dating may-ari
  2. Na-test ang camera, speaker, mic, touch screen, at charging port
  3. Tugma ang IMEI
  4. Mag-meet sa ligtas at mataong lugar
  5. Magbayad lang pagkatapos ma-test, at humingi ng resibo

Mga gamit na makakatulong

Privacy tempered glass (SmartDevil Official Store)

Proteksyon sa screen, at hindi kita ng katabi ang nasa phone.

Tingnan sa Shopee(affiliate link)

UGREEN 20W USB-C charger (UGREEN Flagship Store)

Mabilis at ligtas na charger mula sa official store, bagay na pangregalo.

Tingnan sa Shopee(affiliate link)

May tanong ka pa? I-message mo kami, o i-follow mo kami sa TikTok at YouTube para sa mga bagong tips.

Affiliate disclosure

May "(affiliate link)" sa tabi ng ilang link dito. Kapag bumili ka gamit yung link may maliit kaming commission, pero walang dagdag na bayad sa'yo. Nire-recommend lang namin 'yung sa tingin naming makakasulit ka.