Laptop Articles · Nov 2, 2026 · 4 min basahin

Pangit ang video call mo? 3 libreng fix na kaya mong gawin ngayon

Pangit ang video call mo? 3 libreng fix na kaya mong gawin ngayon

May video rin kami nito! Panoorin sa TikTok o sa YouTube

Malabo, madilim, o tutok sa ilong ang itsura mo sa meeting? Madalas hindi camera ang may kasalanan. Tatlong libreng fix lang 'to, at kaya mong gawin ngayon din bago ang next call mo.

1. Ilaw sa harap, 'wag sa likod

Pag nasa likod mo ang bintana o ilaw, magiging madilim at parang anino ang mukha mo. Mas maliwanag kasi 'yung background, kaya sa liwanag na 'yun nag-aadjust ang camera.

Bago pumasok sa meeting, tingnan mo muna ang preview ng camera. Makikita mo agad kung okay na ang ilaw.

2. Itaas ang camera hanggang level ng mata

Pag nakapatong lang ang laptop sa lamesa, mababa ang camera. Ang makikita sa'yo, ilong, baba, at kisame. Nakakailang din 'yan para sa kausap mo.

Phone naman ang gamit mo? I-prop mo sa tumbler o sa kahit anong matibay na nakatayo, para 'di nanginginig at 'di mababa ang anggulo.

3. Mag-mute pag 'di ka nagsasalita

Dito madalas mapahiya ang iba. Kinukuha kasi ng mic mo lahat ng ingay sa paligid.

Para 'di mo na kailangang hanapin ang Mute button sa gitna ng usapan, masanay ka lang na naka-mute ka na agad.

Kung putol-putol pa rin

Maayos na ang itsura at tunog mo pero nagla-lag pa rin? Baka WiFi na ang problema. Basahin mo rin: libreng fix para sa mahinang WiFi.

Mga gamit na makakatulong

TNW ring light na may dual phone stand (TNW Tech)

Mas maliwanag at malinaw ang mukha mo kahit gabi o madilim ang kwarto.

Tingnan sa Shopee(affiliate link)

Flexible tripod / phone holder

Para steady ang phone habang nagre-record, nagva-video call o ginagawang CCTV.

Tingnan sa Shopee(affiliate link)

May tanong ka pa? I-message mo kami, o i-follow mo kami sa TikTok at YouTube para sa mga bagong tips.

Affiliate disclosure

May "(affiliate link)" sa tabi ng ilang link dito. Kapag bumili ka gamit yung link may maliit kaming commission, pero walang dagdag na bayad sa'yo. Nire-recommend lang namin 'yung sa tingin naming makakasulit ka.