Nawalan ng internet? 3 dapat mong gawin bago tumawag sa hotline
Biglang nawala ang internet, tapos ang tagal pa ng pila sa hotline? 'Wag ka munang tumawag. May tatlong bagay na pwede mong i-check na baka makaayos agad.
Panoorin din sa YouTube at sa TikTok
1. I-unplug ang modem ng 30 seconds
Parang computer din ang modem, kaya minsan nagha-hang lang siya. Kadalasan, umaayos 'yan pag na-restart.
- I-unplug ang power adapter ng modem. Kung may hiwalay kang router, i-unplug mo rin.
- Antayin ang 30 seconds.
- Isaksak ulit. Modem muna, tapos router.
- Antayin na maging stable ang mga ilaw. Pwedeng abutin ng ilang minuto, kaya 'wag mong madaliin.
'Wag mong pindutin 'yung maliit na reset button na butas. Mabubura 'yung settings ng modem mo, at baka 'di mo na maibalik nang ikaw lang.
2. Tingnan ang ilaw ng modem
Sa maraming modem, ang pulang ilaw ay senyales na may problema sa linya, hindi sa WiFi mo. Ibig sabihin, baka walang signal na pumapasok mula sa provider.
- Iba-iba ang ilaw depende sa brand at provider. Tingnan ang sticker o manual ng modem mo kung ano ang ibig sabihin ng bawat isa.
- Check mo kung nakabaluktot o naipit ang fiber cable. 'Wag mo itong hihilahin o babaluktutin.
- Pag bagyo o brownout sa area n'yo, posibleng may outage talaga. Tingnan ang social media page o app ng provider mo kung may advisory.
Pula pa rin kahit na-restart mo na? I-report mo na sa provider mo, PLDT man 'yan, Globe, o Converge. Pag tumawag ka, sabihin mo agad:
- Anong kulay ng ilaw at alin sa mga ilaw 'yon
- Na na-restart mo na ang modem
- Kailan nagsimulang mawala ang internet
Mas mabilis ang usapan pag ready na ang details mo.
3. Subukan sa ibang device
Baka hindi naman ang internet ang may problema kundi 'yung phone o laptop mo lang. Sumubok ka ng ibang device.
- Walang net sa lahat ng device? Modem o linya ang problema. Balik ka sa tip 1 at 2.
- Isang device lang ang walang net? Sa device na 'yon ang problema.
Kung sa device lang, subukan mo 'to:
- I-on at i-off ang Airplane mode.
- I-restart ang device.
- Settings → WiFi → piliin ang network mo → Forget, tapos mag-connect ulit. Medyo magkaiba ang menu sa bawat brand at version.
I-check mo rin kung may unpaid bill ka, kasi baka 'yon pala ang dahilan.
Checklist
- I-unplug ang modem ng 30 seconds, tapos antayin ang stable na ilaw
- Tingnan ang ilaw. Pula pa rin? I-report sa provider
- Subukan sa ibang phone o laptop
- Pag tumawag, sabihin ang ilaw at ang mga nagawa mo na
Mga gamit na makakatulong
AVIDUS S110 mini UPS para sa router (ICSEE)
Tuloy ang WiFi kahit brownout. I-check muna kung 9V o 12V ang adapter ng modem mo.
Tingnan sa Shopee(affiliate link)May tanong ka pa? I-message mo kami, o i-follow mo kami sa TikTok at YouTube para sa mga bagong tips.


