May nakiki-WiFi ba sa'yo? Ganito mo malalaman
Biglang bumagal ang WiFi kahit kayo-kayo lang naman ang gumagamit? Baka may nakiki-WiFi sa'yo. Ganito mo malalaman, at paano mo sila matatanggal.
Panoorin din sa YouTube at sa TikTok
1. Tingnan ang connected devices
Buksan mo ang app ng ISP mo (PLDT, Globe At Home, Converge at iba pa) o ang admin page ng router. Hanapin ang listahan ng connected devices. Bilangin mo 'yung mga phone, TV at laptop n'yo sa bahay, tapos i-compare.
2. May 'di ka kilala? Palitan ang WiFi password
- Gumawa ng mahabang password na 'di madaling hulaan.
- Piliin ang WPA2 o WPA3 kung meron.
- Madi-disconnect lahat ng device, kaya i-connect mo ulit 'yung sa inyo.
3. Palitan din ang admin password ng router
Iba 'to sa WiFi password. Ito 'yung password para makapasok sa settings ng router. Kadalasan, admin pa rin ito o 'yung nakasulat sa sticker, kaya madali itong mapasok ng iba. Palitan mo para 'di nila maibalik ang settings.
May bisita? Guest WiFi ang ibigay
Kung may Guest WiFi ang router mo, 'yan ang ibigay mo sa bisita para 'di nila malaman ang main password.
Mabagal pa rin? Basahin mo ang 8 libreng fix sa mahinang WiFi.
Mga gamit na makakatulong
TP-Link Deco mesh WiFi (TP-Link PH)
May app na nagpapakita ng lahat ng naka-connect, at madaling palitan ang password o i-block ang device.
Tingnan sa Shopee(affiliate link)May tanong ka pa? I-message mo kami, o i-follow mo kami sa TikTok at YouTube para sa mga bagong tips.


