Phone Articles · Nov 22, 2026 · 4 min basahin

Mahina ang speaker ng phone mo? 3 libreng ayos bago magpa-repair

Mahina ang speaker ng phone mo? 'Wag ka munang magpa-repair. Madalas hindi pa sira 'yan. Barado lang, natatakpan, o may naka-on na setting. Subukan mo muna 'tong 3 libreng ayos.

Panoorin din sa YouTube at sa TikTok

1. Linisin ang butas ng speaker

Kapag naipon ang alikabok, lint at dumi sa butas ng speaker, nababarahan ang tunog. Kaya humihina o minsan parang basag pa.

Karaniwan, nasa ilalim ng phone ang speaker, pero iba-iba 'yan depende sa model.

2. Silipin ang case mo

Minsan 'yung case pala ang may kasalanan. Kapag hindi tugma ang butas, o makapal at natatakpan ang speaker, hihina talaga ang tunog.

Check mo rin kung natatakpan ng palad mo ang speaker pag nanonood ka nang nakahiga o naka-landscape. Madalas 'yan nangyayari.

3. I-check ang volume limiter at sound settings

May mga phone na may volume limiter, kaya kahit full na ang volume, hindi na lumalakas pa.

Iba-iba ang pangalan at lokasyon nito depende sa brand at version ng phone. Sa maraming Samsung, nasa Settings → Sounds and vibration → Volume, tapos sa three-dot menu mo makikita ang media volume limiter. Kung hindi mo makita, gamitin mo ang search sa Settings at i-type ang "volume limiter" o "sound".

Sa iPhone, may Settings → Sounds & Haptics → Headphone Safety. Pero para sa earphones lang 'yung limit na 'yon, hindi sa mismong speaker.

Kung mahina pa rin

Kapag nagawa mo na lahat at mahina pa rin, saka ka magpa-check sa service center. Sabihin mo agad na nasubukan mo na ang paglilinis at settings, para mas mabilis nilang makita ang problema.

Checklist

  1. Linisin ang butas gamit ang tuyong malambot na brush, 'wag karayom
  2. Tanggalin ang case at subukan ulit
  3. I-off ang volume limiter at i-check ang sound settings

Mga gamit na makakatulong

7-in-1 cleaning pen kit para sa earbuds at gadgets

May brush at sponge para sa butas ng earbuds at speaker grill ng phone.

Tingnan sa Shopee(affiliate link)

May tanong ka pa? I-message mo kami, o i-follow mo kami sa TikTok at YouTube para sa mga bagong tips.

Affiliate disclosure

May "(affiliate link)" sa tabi ng ilang link dito. Kapag bumili ka gamit yung link may maliit kaming commission, pero walang dagdag na bayad sa'yo. Nire-recommend lang namin 'yung sa tingin naming makakasulit ka.