Bantayan ang anak online nang libre: 3 dapat mong i-set up
Nag-aalala ka ba sa pinapanood ng anak mo sa phone o tablet? Hindi mo kailangan gumastos. May tatlong libreng setting na pwede mong gawin ngayon.
Panoorin din sa YouTube at sa TikTok
1. Gamitin ang YouTube Kids
Mas pambata ang mga video sa YouTube Kids kumpara sa regular na YouTube. Libre ang app at nasa Play Store at App Store.
- Mag-sign in gamit ang account mo bilang magulang, tapos piliin ang age setting ng anak mo.
- May Approved content only mode kung ikaw ang pipili ng mga video at channel na pwede niyang panoorin.
- May timer din sa loob ng app, para matapos ang panonood pag naubos ang oras.
- Pwede mong i-block ang video o channel na ayaw mo.
'Di perfect ang filter, kaya may nakakalusot pa rin minsan. Silipin mo pa rin paminsan-minsan ang pinapanood niya.
I-block mo na rin ang regular na YouTube app sa device niya, para 'di siya lumipat doon.
2. I-require ang password bago makabili sa app store
'Yan ang madalas nakakalimutan. Kapag walang password, pwedeng makabili ang bata ng game coins o in-app purchase nang 'di niya alam na may bayad pala. Sa'yo mapupunta ang singil kung may naka-save na payment method sa account.
Sa Android (Google Play):
- Buksan ang Play Store → i-tap ang profile icon → Settings → Authentication.
- I-on ang Require authentication for purchases.
Sa iPhone o iPad:
- Settings → i-tap ang pangalan mo → Media & Purchases → Password Settings.
- Piliin na laging hingin ang password sa purchases.
- Kung naka-set up ang Family Sharing, i-on ang Ask to Buy. Sa'yo mapupunta ang request bago matuloy ang bili.
Medyo magkakaiba ang menu names depende sa brand at version, pero halos pareho ang daan. I-sure mo ring 'di alam ng anak mo ang password.
3. I-set ang Screen Time o Family Link
Dito mo malilimitahan ang oras at ang apps na pwede niyang buksan.
iPhone: Screen Time
- Settings → Screen Time → i-on, tapos piliin ang This is My Child's iPhone.
- Sa Downtime, ikaw ang magse-set kung anong oras hindi pwedeng gamitin ang phone, gaya ng gabi o pag school hours.
- Sa App Limits, maglagay ng limit kada app o kada category, gaya ng games.
- Sa Content & Privacy Restrictions, i-block 'yung hindi bagay sa edad niya.
- Mag-set ng Screen Time passcode na ikaw lang ang may alam.
Android: Family Link
- I-install ang Google Family Link sa phone mo at sa phone ng anak mo, tapos i-connect ang accounts.
- Mag-set ng daily limit at bedtime.
- Pwede mong i-approve o i-block ang bawat app na gusto niyang i-download.
- Makikita mo rin kung ilang oras niya ginamit ang phone at anong apps ang pinakamadalas niyang buksan.
Kausapin mo rin ang anak mo
Kulang ang settings lang. Sabihin mo sa kanya kung bakit may limit, at na pwede siyang lumapit sa'yo pag may napanood siyang nakakatakot o hindi maganda.
Checklist
- I-install ang YouTube Kids at piliin ang tamang age setting
- I-require ang password sa purchases sa Play Store o App Store
- I-set ang Screen Time (iPhone) o Family Link (Android)
- Itago sa anak mo ang passcode at password
Mga gamit na makakatulong
Privacy tempered glass (SmartDevil Official Store)
Proteksyon sa screen, at hindi kita ng katabi ang nasa phone.
Tingnan sa Shopee(affiliate link)May tanong ka pa? I-message mo kami, o i-follow mo kami sa TikTok at YouTube para sa mga bagong tips.


