Laptop Articles · Oct 26, 2026 · 4 min basahin

Para tumagal ang laptop battery mo: 3 habits lang

Mahal magpapalit ng laptop battery. Kaya habang maayos pa, simulan mo na 'tong tatlong habits para tumagal pa ito.

Panoorin din sa YouTube at sa TikTok

1. 'Wag laging paabutin sa 0%

Mas mabilis masira ang battery kapag lagi itong nauubos. Mas okay kung i-charge mo na pag nasa 20 to 30%.

2. I-on ang 80% charge limit kung laging nakasaksak

Kung laging nakasaksak ang laptop mo, mas tatagal ang battery kung 'di ito laging naka-100%. Maraming laptop ang may setting para dito:

3. 'Wag gamitin sa kama o unan

Natatakpan ng kama, unan o kumot ang air vents, kaya umiinit ang laptop. At isa ang init sa pinakamabilis makasira ng battery. Sa mesa o sa matigas na patungan mo ito gamitin.

Checklist

  1. I-charge bago umabot sa 0%
  2. I-on ang charge limit kung laging nakasaksak
  3. 'Wag takpan ang vents

Mga gamit na makakatulong

Laptop cooling pad

May fan, at tinataas nito ang laptop para lumamig.

Tingnan sa Shopee(affiliate link)

May tanong ka pa? I-message mo kami, o i-follow mo kami sa TikTok at YouTube para sa mga bagong tips.

Affiliate disclosure

May "(affiliate link)" sa tabi ng ilang link dito. Kapag bumili ka gamit yung link may maliit kaming commission, pero walang dagdag na bayad sa'yo. Nire-recommend lang namin 'yung sa tingin naming makakasulit ka.