Google storage full na? 3 libreng paraan bago ka magbayad
Libreng 15GB ang bigay ng Google, at hati-hati diyan ang Gmail, Google Drive at Google Photos. Bago ka magbayad para sa dagdag, subukan mo muna 'tong tatlo.
Panoorin din sa YouTube at sa TikTok
1. Burahin ang malalaking email sa Gmail
- Sa Gmail search bar, i-type ang larger:10M para lumabas ang mga email na lagpas 10MB.
- Burahin mo 'yung 'di mo na kailangan.
- Buksan ang Trash at i-empty. Hangga't nasa Trash pa, kumakain pa rin 'yan ng storage.
2. I-empty ang Trash ng Google Drive
'Yung binura mo sa Drive, napupunta muna sa Trash at kumakain pa rin ng storage. Buksan ang Trash sa Drive, tapos Empty trash. Tingnan mo rin 'yung malalaking file: sa Drive, i-sort by storage used.
3. Linisin ang Google Photos
Sa Google Photos app, i-tap ang profile mo, tapos hanapin ang storage o Manage storage. May listahan diyan ng malalaking video, screenshots at malalabong photos na pwede mong burahin nang sabay-sabay.
Ingat lang: 'yung button na Free up space sa Photos, binubura nito 'yung naka-backup na photos sa phone mo, hindi sa Google account. Gamitin mo 'yan kapag puno ang phone, hindi kapag puno ang Google storage.
Alamin kung alin ang pinakamalaki
Punta ka sa one.google.com/storage para makita kung alin sa Gmail, Drive o Photos ang pinakamalaki, para alam mo kung saan ka magsisimula.
Mga gamit na makakatulong
OTG flash drive
I-backup mo muna ang importanteng files bago burahin online.
Tingnan sa Shopee(affiliate link)May tanong ka pa? I-message mo kami, o i-follow mo kami sa TikTok at YouTube para sa mga bagong tips.


