Bago ma-hack ang Facebook mo: 3 libreng setting na dapat i-on
Hindi mo kailangan maging techie para maprotektahan ang Facebook mo. Tatlong setting lang 'to, libre lahat, at kaya mong gawin ngayon habang hawak mo ang phone.
Panoorin din sa YouTube at sa TikTok
1. I-on ang two-factor authentication
Pag naka-on 'to, kahit makuha ng iba ang password mo, kailangan pa rin nila ng code para makapasok sa account mo.
- Pumunta sa Settings & privacy → Settings → Accounts Center → Password and security → Two-factor authentication.
- Piliin ang account mo, tapos pumili ng paraan.
- Mas okay ang authentication app (gaya ng Google Authenticator) kaysa SMS. Gumagana pa rin 'yung code kahit walang signal.
- I-save mo rin ang recovery codes, screenshot o isulat mo, para may pasok ka pa rin kapag nawala o nasira ang phone mo.
At 'wag na 'wag mong ibibigay kahit kanino ang code na 'yan. Kahit sino pa ang magsabing taga-Facebook siya.
2. I-log out ang device na 'di mo kilala
Baka may naka-login pa sa account mo na 'di mo na alam. Madalas 'yan sa computer shop, sa nahiram na phone, o sa lumang phone mo.
- Settings → Accounts Center → Password and security → Where you're logged in.
- Makikita mo doon ang mga device, ang approximate na lugar kung saan sila naka-login, at kailan sila huling ginamit.
- I-log out lahat ng device na 'di mo kilala, pati 'yung mga lumang device na 'di mo na ginagamit.
Kung may nakita kang kakaiba, palitan mo agad ang password pagkatapos mag-log out. Gumamit ka ng password na 'di mo ginagamit sa ibang app.
3. I-on ang login alerts
Para malaman mo agad kapag may nag-try mag-login sa account mo gamit ang device na 'di mo kilala.
- Settings → Accounts Center → Password and security → Login alerts.
- Piliin kung saan mo gustong makatanggap ng alert: sa notification, sa Messenger, o sa email.
- Mas okay kung dalawa ang i-on mo, para may backup.
Pag may dumating na alert na hindi ikaw 'yung nag-login, 'wag mo munang balewalain. Balikan mo agad ang Where you're logged in at i-log out ang device na 'yon.
Paalala
Minsan iba ang pangalan ng menu depende sa version ng app o sa phone mo. Kung wala 'yung eksaktong nakasulat dito, hanapin mo lang sa Accounts Center ang Password and security. Nandoon lahat ng tatlo.
Checklist
- I-on ang two-factor authentication at i-save ang recovery codes
- I-log out ang mga device na 'di mo kilala sa Where you're logged in
- I-on ang login alerts
- 'Wag ibigay ang code o OTP kahit kanino
May tanong ka pa? I-message mo kami, o i-follow mo kami sa TikTok at YouTube para sa mga bagong tips.


