Dalawa ang WiFi name sa bahay mo? Alin ang tama: 2.4GHz o 5GHz?
May video rin kami nito! Panoorin sa TikTok o sa YouTube
Pag nag-scan ka ng WiFi sa bahay, madalas may dalawang lumalabas na halos magkapareho ang pangalan. Kapag mali ang napili mo, babagal ang net mo kahit maayos naman ang plan mo. Eto kung alin ang gagamitin at kailan.
Bakit dalawa ang WiFi name?
Maraming router ngayon, pati 'yung mga bigay ng PLDT, Globe at Converge, ay dual-band. Ibig sabihin, may dalawa itong signal: 2.4GHz at 5GHz. 'Yung mga mas lumang router, 2.4GHz lang.
Madalas may nakalagay na "5G" o "5GHz" sa dulo ng isa sa mga pangalan. Hindi 'yan 'yung 5G ng Smart o Globe sa mobile data ha. Magkaiba 'yon. Iba-iba rin ang pangalan depende sa router mo, kaya i-check mo ang sticker sa likod ng router o ang settings nito.
1. 5GHz kung malapit ka sa router
Mas mabilis ang 5GHz. Maganda 'to sa mga gawain na kumakain ng bilis, tulad ng:
- Streaming sa YouTube o Netflix
- Online games
- Video call at Zoom
- Pag-download ng malalaking file
Ang kapalit, mas maikli ang abot nito at nahihirapan itong tumagos sa pader. Kaya gamitin mo 'to pag nasa parehong kwarto ka lang o malapit sa router.
2. 2.4GHz kung malayo o maraming pader
Mas malayo ang abot ng 2.4GHz at mas kaya nitong dumaan sa pader. Kung nasa kabilang kwarto ka, nasa second floor, o nasa labas ng bahay, mas stable 'to.
- Mas mabagal ito kumpara sa 5GHz, pero mas okay na stable kaysa mabilis pero putol-putol.
- Mas siksikan din ito, lalo na sa subdivision, condo at apartment, kasi maraming router sa paligid na parehong band ang gamit.
Subukan mo muna pareho sa mismong pwesto mo. Kung mas maganda ang 5GHz doon, 'yun ang gamitin mo. Kung putol-putol, lipat ka sa 2.4GHz.
3. Smart devices: madalas 2.4GHz lang
'Eto 'yung madalas makalimutan. Maraming smart plug, smart bulb at CCTV ang 2.4GHz lang ang kaya. Hindi nila nakikita ang 5GHz na WiFi.
- Kung 'di makakonekta ang bagong CCTV o smart plug mo, baka nasa 5GHz ang phone mo habang nagse-setup.
- I-connect mo muna ang phone sa 2.4GHz, tapos subukan ulit.
- Pag naka-connect na ang device, pwede mo nang ibalik ang phone sa 5GHz.
Kung iisa lang ang WiFi name na lumalabas sa router mo, ibig sabihin pinagsama ang dalawang band. Sa ilang router, pwede mo silang paghiwalayin sa router settings. Depende 'yan sa brand at sa ISP mo, kaya i-check mo ang manual o magtanong sa provider.
Checklist
- Malapit sa router? 5GHz
- Malayo o maraming pader? 2.4GHz
- Smart plug at CCTV? I-connect sa 2.4GHz
- 'Di pa rin okay? Subukan ang dalawa at piliin kung alin ang mas stable sa pwesto mo
Mga gamit na makakatulong
TP-Link Deco mesh WiFi (TP-Link PH)
Para pantay ang WiFi sa buong bahay, at isa lang ang WiFi name na kailangan mong tandaan.
Tingnan sa Shopee(affiliate link)TP-Link RE330 WiFi extender (TP-Link PH)
Pang-abot ng WiFi sa kwartong mahina ang signal.
Tingnan sa Shopee(affiliate link)May tanong ka pa? I-message mo kami, o i-follow mo kami sa TikTok at YouTube para sa mga bagong tips.


