Mabilis ma-lowbat? I-check mo 'tong 3 settings
Ang bilis ma-lowbat ng phone mo? Bago ka bumili ng power bank, i-check mo muna 'tong tatlong settings.
Panoorin din sa YouTube at sa TikTok
1. I-on ang auto brightness
Ang screen ang pinakamalakas kumain ng battery. Sa Settings → Display, i-on ang Auto brightness (o Adaptive brightness), para kusa itong dumidilim kapag 'di kailangan.
2. Mag-dark mode, lalo na kung OLED
Kung OLED o AMOLED ang screen mo, halos walang power na kailangan ang black pixels. Kaya nakakatipid ng battery ang dark mode. Nasa Display settings din 'yan.
3. Limitahan ang location ng apps
Ang daming app na humihingi ng location kahit 'di naman kailangan. Sa Settings → Location → App permissions, piliin ang "Allow only while using the app" o "Don't allow" sa mga app na 'di naman kailangan ng location.
Alamin kung ano'ng kumakain ng battery
Sa Settings → Battery, makikita mo kung aling app ang pinakamalakas kumain. May app ba na 'di mo naman ginagamit pero mataas? I-uninstall o i-restrict mo na.
Mga gamit na makakatulong
May tanong ka pa? I-message mo kami, o i-follow mo kami sa TikTok at YouTube para sa mga bagong tips.


