3 Android tricks na hindi alam ng karamihan
May tatlong built-in na features ang Android na sobrang useful pero 'di alam ng karamihan. Libre lahat, wala ka nang ida-download.
Panoorin din sa YouTube at sa TikTok
1. Screen record
I-swipe pababa mula sa taas ng screen para lumabas ang Quick Settings, tapos hanapin ang Screen record. Wala? I-tap ang edit (lapis) icon at idagdag mo. Magandang pang-turo kay Lola, o pang-record ng error sa app.
2. App pinning para sa mga bata
Ipapahiram mo ang phone sa bata para manood? Gamit ang App pinning, 'di siya makakalabas sa app na binigay mo.
- I-on sa Settings → Security (o "Security & privacy" → "More settings") → App pinning o "Pin app".
- Buksan ang recent apps, i-tap ang icon ng app, tapos piliin ang Pin.
- Para lumabas, pindutin nang matagal ang Back at Overview, o sundan lang ang instructions sa screen.
3. I-share ang WiFi gamit ang QR code
'Di mo na kailangang sabihin ang password. Sa Settings → WiFi, i-tap ang WiFi na naka-connect ka, tapos Share o 'yung QR icon. I-scan lang ng bisita gamit ang camera nila.
Note: medyo iba-iba ang pangalan ng menu depende sa brand at Android version.
Mga gamit na makakatulong
Flexible tripod / phone holder
Para steady ang phone habang nagre-record o nagva-video call.
Tingnan sa Shopee(affiliate link)May tanong ka pa? I-message mo kami, o i-follow mo kami sa TikTok at YouTube para sa mga bagong tips.


